Ayon kay Marz Bernabe, Technical Staff ng Caticlan Jetty Port, ikinasa na ng pamahalaang probinsiya ang siguridad para sa pagdating ng barkong puno ng turista mula sa iba’t ibang bansa na umaabot sa dalawang libong at mahigit limang daang Filipino Crew.
Bagamat ilang oras lamang na mamamalagi sa isla, simula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, ngunit biglaan naman ang buhos ng mga turistang ito sa Boracay.
Kaya nakipag-ugnayan na ang probinsiya sa mga otoridad gaya ng Philippine Army, Police at Coast Guard, maging sa lokal na pamahalaan ng Malay na siyang katuwang, Municipal Auxiliary Police at iba pang organisasyon kasama ang Red Cross.
Inihayag ni Bernabe na ang nabanggit na bilang na ito ng mga turista ay aasahang baba ng barko para mag-ikot sa isla, gayong batay umano sa tie up nilang travel agency, pupunta sa iba’t ibang hotel ang mga sakay ng cruise ship gayon din iikot sa Boracay o mag-a-island hopping.
Aasahan din umano darating sa isla ang pamilya ng may limang daang Filipino Crew ng barko para makita ang mga ito.
Nilinaw din nito na sa pagkaka-alam niya ay dadaong dito sa Boracay ang barko, pero malabo na mayroong papayagang makasampa sa barko na hindi pasahero.
Samantala, dahil sa mag-a-island hopping ang iba sa ito at pabago-bago ang panahon, inataasan na rin umano ang Coast Guard na siyang magdeklara sa ligtas na paglalayag para sa siguridad ng mga turistang ito.
Dagdag pa Bernabe, ang seguridad na kinasa ng probinsiya ngayon sa Boracay ay hindi lamang para sa pagdating ng cruise ship, kundi pati din sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong Semestral break na. #em102012
No comments:
Post a Comment