Kaya kung maaari umano ay ilayo sa mga kurtina at huwag
hayaang nakapatong lamang sa lamesa ang may sinding kandila para iwas sunog.
Ito ang kalimitang instraksyon umano nila sa mga pamayanan
na gumagamit ng kandila lalo na ngayong Undas ayon kay SF01 Edgardo Imason,
Chief Operation Operation ng Bureau of Fire Boracay.
Aniya, ang nakasinding kandila kapag natumba sa mga light
materials, inihipan ng hangin ang kurtina at napunta sa nakasinding kandila ay
siyang madalas na pinagmumulan ng sunog.
Samantala, pagdating naman sa mga sementeryo, binabantayan
at pinagbabawalan rin aniya nila na magtirik ng kandila ang isang indibidwal sa
mga lugar kung saan may mga tuyong dahon para maiwasan din ang grass fire.
Kaya ikakasa na rin umano nila ang awareness sa publiko sa
paraan ng pagbibigay paalala sa mga ito ng mga dapat at hindi dapat gawin para
makaiwas sa sunog.
Maliban dito, aasahang naka red-alert, magiging visible at
mag-iinspeksyon din sila para mabantayan ang siguridad ng publiko laban sa
sakuna dala ng selebrasyon.
Sa gagawin nilang operasyon ngayong Undas ay magiging
katuwang umano nila ang Philippine National Red Cross. #ecm102012
No comments:
Post a Comment