YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 23, 2012

Dog catcher sa Boracay na nireklamo Swiss National, pai-imbestigahan

Pai-imbestigahan umano ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron, Chairman ng Committee on Agriculture, ang kaugnay sa reklamo ng dalawang dayuhan laban sa isang dog catcher sa Boracay.

Ayon sa konsehal, bagamat aminado itong may ordinansa sa isla na nagre-regulate sa mga gumagalang hayop lalo na sa aso para makaiwas sa sakuna at mapanatili ang kaayusan sa Boracay, naniniwala ito na hindi naman magagawa ng nirereklamong dog catcher ang pagpatay at pagbenta sa mga aso.

Bagamat sumang-ayon ang nasabing konsehal na dapat ang mga asong hindi pa nakukuha ng may-ari lalo na yaong delikado sa publiko ay dapat talagang idispatsa, pero hindi naman umano sana sa ganitong paraan.

Katunayan aniya sa Boracay, may mga nalalaman na rin silang kapag hindi nakuha ng may ari sa loob ng panahon na itinakda ng ordinansa, inaampon o ina-adopt ito ng ilang indibidwal para sila na ang umalaga.

Samantala, hinggil naman sa reklamong hindi pinapakian ang mga asong na huli at hinahayaan lamang sa kulungan ng patrol ng dog catcher, hindi naman nito masagot kung may pondo talagang inilaan para sa pagkain ng mga asong ito.

Ngunit ang dapat umano ay pinapakain pa rin ang mga hayop na gaya ng tao.

Dahil dito, mahalaga pa rin ayon kay Pagsugiron na magkaroon ng “tag” ang mga alagang hayop sa Boracay, ng sa ganon kapag mahuling gumagala ay maipagbigay alam agad sa may-ari.

Nag-ugat ang usaping ito makaraang magreklamo sa Pulisya noong Linggo ang dalawang dayuhan na Swiss National na naninirahan dito sa Boracay na sina Dr. Landert Chantal at Leneberger Emst laban sa dog catcher na si Junjun Mendoza dahil sa umano ay pagbibenta at pagpatay nito sa mga asong nahuhuli nila kapag hindi nakuha ng may-ari. #em102012

No comments:

Post a Comment