Maituturing umanong peke ang resibo na ibinibigay sa tuwing
magkaroon ng transaksyon o bibili ang isang indibidwal kung walang serial
number at gawa sa bangketa na hindi awtorisado ng BIR ang nag-imprenta.
Ayon kay Osorio, pananagutin nila ang mga bangketang
nagbi-benta ng resibo na hindi awtorisado lalo na kapag may magreklamo sa
kanilang nag-isyu ng pekeng resibo, ay agad umanong pa-iimbistigahan ito.
Kapag gumamit umano ng pekeng resibo, nangangahulugan lamang
na pandaraya iyon at hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Samantala, sa mga mahuhuli umanong tax payer na gumagawa
nito ay ipapataw aniya ng kawanihan ang pinalidad na nararapat sa kanila.
Inihayag din ni Osorio na hindi lamang mula sa bayan ng
Kalibo sila nakakatanggap ng reklamo na hindi nagbibigay ng resibo ang isang
establisemyento, kundi mayroon na rin sa Boracay, bagay na iniimbistigahan na
rin nila sa ngayon. #ecm102012
No comments:
Post a Comment