Posted January 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagpaabot ngayon
ng hinaing ang ilang mga residente sa Barangay Dumlog sa Mainland Malay sa mga
kasapi ng SB-Malay ito’y dahil umano sa masang-sang na “dumi ng tao” na
kanilang naamoy sa kanilang lugar.
Sa naganap na
Session nitong Martes, binuksan ni Liga President Julieta Aron itong usapin
dahil narin sa reklamo na kanyang natatanggap mula sa mga residente.
Samut-saring
komento ang ipinahayag ng mga miyembro ng SB kung saan nga ito umanong reklamo
ay umabot na sa social media na pinost sa Facebook.
Kaugnay nito,
nagpa-abot ng sulat ang mga residente na apektado ng umano’y masangsang na amoy
na kanilang nalalanghap sa lugar.
Binasa ni SB
Secretary Concordia Alcantara ang liham na ipinaabot ng mga residente kung saan
nakapaloob dito ang reklamo partikular malapit sa eskwelahan ng Barangay Dumlog
na sila ay nag-rereklamo hinggil sa mabahong amoy na kanilang nalalanghap na
galing umano sa tapunan ng “dumi ng tao”.
Nabatid umano na
bumabaho ang lugar kung ito ay nababasa.
Kaugnay nito,
humihingi sila ng tulong sa mga nasasakupan kung pwede matulungan sila sa
kanilang problema.
No comments:
Post a Comment