Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Sa naganap na 3rd Regular Session
sa SB Malay nitong martes, naging laman ng usapin ang isang resolusyon kaugnay
sa pagturn-over ng Boracay Circumferential Road sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Ayon kay SB Member Floribar Bautista, na siyang may-akda
ng resolution, kayang pangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Malay ang circumferential
road.
Idinagdag pa niya na ang
pagkakaroon ng ganap na kontrol at pamamahala sa circumferential road ay
magiging daan para masolusyunan na ang problema ng trapiko sa isla.
Kaugnay nito, naging pabor
naman ang lahat ng mga miyembro ng konseho sa nasabing resolution.
Nabatid
na sakop ng nasabing Boracay Circumferential Road ang mga pangunahing kalsada
sa Barangay Yapak, Barangay Balabag, Sitio Cagban at Tambisaan kung saan
kasalukuyang nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Samantala, sa sandaling ma-isumite
ang nasabing resolusyon sa Provincial Government, umaasa si Bautista na agad
itong mabigyan ng sagot nang sa ganun maipatupad na ang paglipat ng nabanggit
na Circumferential Road sa
lokal na pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment