Posted January 27, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nasa isang-daan na residente ng Barangay Bakhaw Norte,
Kalibo ang nag-rally bitbit ang kanilang mga placard sa harap mismo ng Department
of Environment and Natural Resources (DENR)-Aklan kaugnay parin sa dredging
operation sa Aklan River.
Sa pangunguna ni Barangay Chairman Maribeth Cual ng Bakhaw
Norte, ipinaabot nito sa mga kinauukulan ang umano’y paghuhukay at pagkuha ng
buhangin ng dredging vessel na MV Zhong Hai 18 ng Globe Bulk Services
Philippines Corporation na kinuha ng Santarli o (STL) Panay Resources Company
para sa naturang proyekto.
Ilang bahay na umano sa lugar ang nangangamba na mahulog
sa ilog dahil umano sa soil erosion saan dapat umano munang ihinto ang kanilang
operasyon.
Nabatid umano na ang makukuhang buhangin sa pag-dredge ay
bibiilhin ng P5 per cubic meter at dadalhin sa Singapore.
No comments:
Post a Comment