Posted January 26, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinasiguro ngayon
ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na magkakaroon sila ng sariling
imbestigasyon hinggil sa isyu sa human trafficking kung saan ginagamit ang
Kalibo International Airport bilang daanan ng mga iligal na aktibidad na ito sa
probinsya ng Aklan.
Ayon kay SP Member Harry Sucgang, ayaw na sana
nilang makisawsaw o makialam sa naturang isyu dahil may ginagawang
imbestigasyon na ang mga otoridad subalit kailangan daw nila itong bigyan ng
pansin.
Nabatid kasi na maaari
itong maka-apekto sa peace and order at sa insdustriya ng turismo ng probinsya
dahilan upang talakayin ito ng Sangguninang Panlalawigan.
Kaugnay nito,
dapat na umanong mawala o mahinto itong iligal na aktibidad sa probinsya.
Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nahuli ang mga
illegal recruiter na umano’y nagpapasok ng apat na mga biktima na pupunta
sanang Malaysia para magtrabaho.
No comments:
Post a Comment