Posted January 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Masisilayan na ang pagdating
ng returning vessel na MS SEABORNE SOJOURN na isang European cruise ship sa
isla ng Boracay sa Enero 28 ngayong taon.
Sa panayam ng himpilang ito kay Special Operation III
Jean Pontero ng Jetty Port Administration, nakatakda umanong dumaong sa isla
ang nasabing cruise ship sa Sabado, alas- diyes ng umaga at magtatagal hanggang
alas- sais ng gabi.
Aniya, ito na ang ikatlong pagbisita ng naturang cruise
ship kung saan lulan nito ang apat na daang turista kasama ang tatlong daang mga
crew.
Napag- alamang matapos nitong dumaong sa Shumen at
Hundred Islands ay didiretso ito sa Manila kung saan ang isla ng Boracay ang
kasunod.
Pagkatapos nito, babaybayin ng MS SEABORNE SOJOURN ang
Coron, Puerto Princesa at babalik sa Foreign Country nito na Kota Kinabalu.
Ayon pa kay Pontero, kung ano ang mga ginawang paghahanda
ng mga kinau-ukulan sa pagdating ng mga cruise ship noong nakaraang taon ay
ganoon parin umano ang kanilang gagawin.
Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda na ginagawa
ng Jetty Port para sa seguridad nito katuwang ang Philippine Army, Philippine
National Police, Malay Auxilliary Police (MAP), MARITIME Police, Philippine
Navy at Philippine Coast Guard.
No comments:
Post a Comment