Posted January 26, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa Oktubre, nakatakdang
maglagay ng satellite registration ang COMELEC sa isang mall sa bayan ng Kalibo.
Layunin nitong masiguro na lahat ng mamamayan ay
makapagrehistro para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections.
Ayon sa COMELEC, magtatagal ito ng dalawang araw simula Enero 27 hanggang 28 at tatanggap ng
mga magpaparehistro simula alas- nuebe ng umaga hanggang alas- tres ng hapon.
Samantala, ayon naman kay Malay COMELEC Election Officer
II Elma Cahilig, tuloy- tuloy na umano ang registration ng publiko sa Mainland.
Kung saan lunes hanggang sabado umano ang kanilang
schedule, habang sa araw naman ng huwebes hanggang sabado ay pumupunta umano
sila sa mga barangay sa Mainland para sa isinasagawang Satellite Registration.
Nabatid na nagsimula ang voter’s registration sa COMELEC
National noong Nobyembre 7, 2016 na magtatapos sa Abril 29 taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment