Posted January 23, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Muling magdadagdag ng jail
cells ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang makatulong sa
umiiral na siksikan sa jail facility ng Barangay Nalook sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Senior Jail Officer 4 Rolyn Malolos, deputy
BJMP-Aklan chief, umabot sa 489 inmates ang kabuuang populasyon sa loob ng
selda kung saan, apatnapu’t limang mga babae ang nagsi-siksikan sa naturang
selda.
May nakahanda na umanong budget para sa konstruksiyon ng
multi-milyong gusali na ito sa Western Aklan.
Nabatid na ang dahilan ng kasikipan sa BJMP Aklan
District Jail, gayundin sa Aklan Rehabilitation Center ay ang mga nahuli sa
walang tigil na paglaban ng pulisya sa iligal na droga at kriminalidad.
Samantala, nakipag-usap na umano ang ahensiya ng
Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang bayan ng
Makato para sa 2,000 square meter lot para sa akomodasyon ng pagtaas ng bilang
ng mga bilanggo.
Sa pangangasiwa ng United Nations dapat umano nasa 200
inmates lang ang nasa jail cell ng BJMP.
No comments:
Post a Comment