Umabot na rin umano sa tanggapan at pamunuan ng Philippine
Coast Guard o PCG Caticlan ang umano pagsakay ng ilang pasahero sa bangkang
pang-cargoes.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng Provincial
Ordinance na “one-entry, one-exit” policy sa Boracay.
Pero ayon kay Lt. Commander Jimmy Oliver Vingno, naaksiyunan
na rin nila ang sumbong na ito, at sa ginawa nilang pagberipika ay nakahuli
umano sila ng ilang pasahero.
Pero ang mga ito ay may-ari aniya ng mga karga na dinadaan
sa Cargo Port.
Ganoon pa man, mahigpit aniya itong ipinagbabawal alinsunod
sa “one-entry, one-exit” policy, at malinaw na paglabag sa nakasaad sa Certificate
of Public Conveyance o CPC na inisyu sa mga bangkang ito ng Marina.
Dahil dito kinausap at pinaalalahanan na umano ni Vingno ang
mga may-ari ng bangkang pang-cargoes na huwag na itong gawin pa ulit.
No comments:
Post a Comment