Pwede nilang i-request, pero nasa Sangguniang Panlalawigan na ang desisyon kung papayagan nila.
Ganito inilarawan ni Aklan Governor Carlito Marquez ang posibleng mangyayari sa balak na panukala ni Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito.
Ito ay ang hilingin sa pamahalaang probinsiya na taasan na rin ang share ng Malay mula sa nakokolektang terminal Fee sa Cagaban at Caticlan Jetty Port.
Para sa gobernador, hindi naman ito problema kung para sa kabutihan naman ang layunin, subalit nasa SP umano ang mandatu sa pagpayag kaugnay dito.
Lalo na ngayon at binabalak nang ipatupad ang “unification” sa dalawang pantalan upang iisang window na lamang ang pagkukunan ng ticket at lahat ng fees na sinisingil sa mga turista.
Inihayag pa nito sa panayam ng YES FM News Center na wala ding problema sa bahagi ng pamahalaang probinsiya kung magtanong man ang SB Malay kaugnay sa pinag-gamitan ng kita mula sa nakokolektang Environmental Fee, kung transparency ang pag-uusapan.
Gayong kita naman ayon kay Marquez ang mga programa at proyekto ng probinsiya sa mga barangay sa Malay na naibabalik naman.
Kung maaalala, kinuwestiyon ng SB Malay kung saan napupunta ang 25% share ng probinsya mula sa nakukulektang Environmental Fee sa Boracay.
Maliban dito naging laman din ng mga deliberasyon ng konseho ang balak na panukala na hihilinging taasaan na rin ang share ng Malay mula sa nakokolektang Terminal Fee ng probinsiya sa dalawang pantalang nabanggit.
No comments:
Post a Comment