Wala umanong dapat na ikabahala ang publiko sa presensiya nga mga berdeng lumot na makikita sa dalampasigan ng Boracay.
Ito ang inihayag ni Boracay CENRO Officer Merza Zamillano sa panayam dito ng YES FM News Center Boracay.
Ito ay kaugnay sa kung may eksplinasyon na ba ang DENR sa nakikitang mga lumot sa beach na ito na siyang paborito pa namang puntahan ng mga turista, dayuhan man o lokal.
Pero ayon dito, ang Environmental Management Bureau o EMB ng DENR lamang umano ang may mandato hinggil sa nasabing usapin upang mag-eksplika.
Subalit ang malinaw aniya dito ngayon ay “safe” o ligtas para sa publiko ang tubig dito.
Aniya, batay sa mga isinagawang pagsisiyasat ng EMB ng DENR Regional Office sa tubig ng Boracay, na-classify bilang Class B ang tubig sa beach na ito na nagsasabing ligtas para sa mga naliligo.
Kung matatandaan, ang presensiya na ito ng mga lumot sa Boracay ay matagal na ring pala-isipan sa mga bista na hindi parin maipaliwanag hanggang sa ngayon kung ano ang sanhi gayong kusa naman itong nawawala pagkatapos ng Summer Season.
Kung saan para sa mga Boracaynon noon paman umano na hindi pa nakikilala ang islang ito ay may mga lumot na, na siyang pinapaniwalaang nakakatulong sa pag-puti ng mga buhangin dito.
No comments:
Post a Comment