Dadagdagan ang mga basurahan sa beach front ng Boracay.
Ito ang kinumpirma sa panayam ng himpilang ito kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, kaugnay sa mga inilagay na basurahan nitong nagdaang Semana Santa.
Kung saan sinabi nito na maliban sa pagiging permanente na doon ng may 25 basurahan ay dadagdagan pa ang mga ito.
Isang aktibidad umano kasi ang nakatakdang ilarga sa darating na Mayo kaugnay sa isang malawakang paglilinis sa buong isla.
Dagdag pa ni Sacapaño na sa ngayon ay 25 pa lamang ang inilagay nila sa beach front, mula sa kabuuang siyamnapung basurahan.
Ito’y dahil sa nahirapan umano silang imonitor ang mga ito, dahil na rin sa mga umano’y pasaway na mga batang nangunguha ng mga basura sa nasabing basurahan.
Kaya naman iginiit ng administrador na ang mga establisemyento sa beach front ay dapat ding tumulong sa pagbabantay upang ang mga basurahang ito ay hindi masalaula at hindi kumalat ang mga basura.
Sinabi pa ni Sacapaño na paunti-unti ay ipapaintindi din ng LGU Malay ang kahalagahan ng mga nasabing basurahan sa isla.
No comments:
Post a Comment