Labis na ikinatuwa ng mga Ati sa Sitio Lugutan,
Brgy.Manoc-Manoc, ang pagdalaw ni Department of Justice Secretary Leila De Lima
sa kanilang komunidad kahapon.
Ang naging layunin ng pagpunta ni De Lima sa nasabing lugar
ay upang alamin ang tungkol sa pagkamatay ng Ati Spokesperson na si Dexter
Condez at ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay ng mga Ati doon.
Sa pambungad na pahayag ni Sec. De Lima, sinabi nitong kasalukuyang
nasa preliminary investigation ang kaso ni Dexter.
Ipinaliwanag ni De Lima na magkakaroon ng hearing ang mga
piskalya kung may probable cause ang pagkamatay nito,dito malalaman kung may
kremin at kung sino ang dapat na papanagutin.
Kung sakali aniyang may malaman o mapatunayan sa
imbestigasyong kanilang gagawin ay kanila itong ipa-file sa Korte.
Ipa-“fast track” daw nila o mamadaliin ang prosesong
kanilang gagawin, pero nabanggit nito na malapit nang ma-resolve ang kaso ni
Dexter.
Sa ginawa nitong pagdalaw sa mga Ati, ay nagkaroon din ng
tanong-sagot sa pagitan nina De Lima at ng mga Ati.
Hindi din napigilan ng mga ito na ilabas ang kanilang
hinanaing sa mga taong may kinalaman sa pagkamatay ni Dexter, maging ang
kanilang sama ng loob sa LGU.
Pagdating naman sa lupa, ayon kay De Lima, ay nasa korte na
ito at nakikipag-ugnayan na lamang sila sa Regional Trial Court sa Kalibo.
Bukod dito, nagbigay din pag-asa sa mga Ati, hinggil sa mga
inihayag ni De Lima na mahigpit nilang mimonitor ang kaso ni Condez maging ang
sitwasyon sa lupa ng mga ito.
Ang kaniyang pagdalaw umano sa mga ito, ay isang paraan din na
maiparamdam sa mga Ati doon na alam ng DOJ ang nangyari sa kanilang
spokesperson at ang mga problemang kanilang nararanasan at kinakaharap.
Sinabi pa nito na sa susunod na linggo ay kaniyang ipag-uutos
sa mga prosecutor na ipasa na ang resolusyon ukol dito nang sa ganun ay
mapadali ang pag-resolve sa kaso ni Dexter Condez.
Si De Lima ay dumating sa isla ng Boracay upang bisitahin
ang Ati Community, kasama ang iba pang miyembro ng piskalya.
No comments:
Post a Comment