Para maka-iwas sa sunog, sikaping mapalitan na ang mga lumang wirings na ginagamit sa loob at labas man ng bahay o establishemento, lalo na kapag
may sampung taon na itong ginagamit.
Sapagkat kalimitan ay ito rin umano ang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng sakuna na nagreresulta sa sunog.
Kung saan ang mga lumang kawad na ito ang dahilan na animo
ay pumuputok na ang insulator ayon kay F03 Franklin Arubang ng Bureau of Fire
Protection o BFP sa Boracay.
Maliban dito, pinayuhan din ni Arubang ang mga Boracaynon na
ipa-check din sa lisensiyadong electrician ang mga linya nila bago magdagdag ng
load o ano mang gamit dahil kapag na over load umano, doon na nagkakaroon na ng
problema.
Ang pahayag na ito ng Fireman ay kasunod ng mga sakuna na
nararanasan sa isla lalo na sa Metro Manila na nagsisimula sa simpleng spark lang ng kuryente lalo na ngayong
tag-init.
No comments:
Post a Comment