“Ang palagiang nararanasang brown out nitong nagdaang mga
araw ay hindi indikasyon na kinikulang na sa suplay ng kuryente ang probinsiya.”
Ganito ipinaliwanag ni Aklan Electric Cooperative o AKELCO
Engr. Joel Martinez ang patay sinding suplay ng enerhiya mula sa mga generators
na pinagkukunan na siyang dini-distribute din ng kooperatiba sa Aklan.
Sa panayam dito kahapon, sinabi ni Martines n
a ang
naranasang malawakang brown out nitong nagdaang Biyernes at Sabado ay dahil sa
nagka-problema ang linya ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP
na siyang nagsisilbing daluyan ng kuryente.
Dahil nitong Biyernes may nakitang sawa na sumampay sa live
wire ng NGCP sa area ng Barangay Calizo, Balete kaya hindi nakapag-transmit ng
kuryente mula Capiz papuntang Kalibo.
Habang sinundan din ito ng brown out noong Sabado dahil sa
tinamaan ng kidlat ang isa pang linya ng NGCP at na-apektuhan ang sub-marine
cable nila.
Pero sa mga naranasang aberiya umanong ito, walang dapat na
ikabahala ang publiko dahil walang power shortage sa Aklan.
Katunayan ay sobra pa umano ito dahil sa dami ng source o
mapagkukunan ng enerhiya dito sa Panay.
Samantala dito naman sa Boracay, aminado si Engr. Wyane Bucala na may ilang gabi na ring
nakakaranasang low voltage at pag-fluctuate ang suplay ng kuryente maliban sa
ilang oras na mga brown out na nararanasan.
Eksplinasyon nito, dahil nasa dulo ang Boracay kaya naramdaman
ito dito.
Ngunit paglilinaw nito, hindi naman umano ito maka-epekto sa
mga de kuryenteng gamit sa loob ng bahay at mga establishemento, kaya walang
dapat ikabahala.
No comments:
Post a Comment