Summer na naman at katulad pa rin ng dati ay dagsa ang mga
turista dito sa isla ng Boracay mapa lokal o foreign man.
Kabilang sa mga aktibidad na ini-enjoy ng mga bisita dito ay
ang pagpapalagay ng henna tattoo.
At ito ay isa sa mga hanapbuhay ng mga taga-front beach sa
isla ng Boracay.
Ngunit dahil sa insidenteng nangyari kamakailan lang sa
isang 5-taong gulang na bata sa Estados Unidos na napaulat na nagkaroon ng
allergic reaction sa balat, sanhi ng henna ay nagpa-alala ngayon ang MHO-Malay
sa mga mahihilig sa henna tattoo na dapat ay i-check nila ang mga henna tattoo
artist kung sila ba ay may mga health card.
Dapat din umanong tingnan kung ang tinta ba na ginagamit
nila ay may mga kemikal na makaka apekto sa balat at kung ito ba ay aprubado ng
mga awtoridad.
Ayon sa pagsusuri, ang henna ay delikado sa mga taong
mayroong glucose-6-phosphate dehydrogenase deficiency o G6PD deficiency na
karaniwan sa mga kalalakihan kaysa mga kababaihan.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng reaksiyon o pahayag
ang ilang lokal na henna tattoo artist dito sa isla.
No comments:
Post a Comment