Haba ng sinturon o pasensiya pa rin umano ang dapat na
baunin ng mga pasahero sa Boracay sa ngayon, ayon sa payo ng BLTMPC.
Sapagkat kulang pa rin talaga ang mga tricycle na pumapasada
sa bawat araw sa isla batay sa pag-aamin na ginawa ni BLTMPC General Manager Ryan
Tubi sa panayam dito.
Ayon kay Tubi, sa dami talaga ng pasahero lalo na at summer
season, dagdagan pa na nanatili pa rin ang “color coding scheme” sa mga
tricycle kaya marami parin
umano sa ngayon ang hindi kayang isakay ng
pampulikong sasakyan na ito.
Kung saan wala pa aniya silang magagawa sa sitwasyong ito,
kundi ang pag-unawa mula sa publiko ang hiling nila.
Aminado din ito na hindi pa nila nasusubukang hilingin muli
sa lokal na pamahalaan ng Malay na kaselahin ang color coding scheme.
Sapagkat hinihintay pa rin nila ang “petition letter” mula
sa dalawang paaralan sa Boracay na nagsasabing kailangang-kailangan ang
serbisyoso ng mga-tricycle na ito, upang magkaroon na rin umano ng lakas ang
BLTMPC na umapela sa LGU.
Sa ngayon ay ang paaralan sa Barangay Manoc-manoc pa lang umano
ang nakapag-bigay sa kooperatiba ng petition letter at hinihintay pa nila ang magmumula
sa Balabag at Yapak.
Dahil ayaw din umano ng mga Board of Directors ng BLTMPC na
mapahiya at hindi mapakinggan ng LGU Malay ang kanilang mga apela kung wala
naman batayan.
Kung matatandaan, simula nitong nagdaang buwan ng Disyembre
ay naramdaman na ang kakulangan ng tricycle sa Boracay, kung saan pahirapan sa
pag-abang ng masasakayan lalo na ng mga lokal na pasahero.
No comments:
Post a Comment