Ni Malbert Dalida,
News Director, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Boracay PNP Chief PS/Inspector Jeoffer
Cabural, matapos ang isinagawang follow up operation sa nasabing insidente.
Pasado alas-7 kasi kaninang umaga, nang magsagawa ang mga
otoridad ng follow up operation para sa posibleng pagkakadakip ng salarin.
Kasama si Cabural, pinangunahan ni mismong Aklan Police
Provincial Director PS/Supt. Pedrito Escarilla ang nasabing operasyon.
Samantal,a sa pakikipanayam ng himpilang ito nitong hapon
kay Cabural, minarapat muna nitong huwag ibigay ang pagkakakilanlan ng suspek para
matiyak ang matagumpay na resulta ng imbistigasyon.
Matatandaang nangyari ang pagpatay kay Condez dakung alas-8:48
kagabi, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang Village sa Sitio Lugutan,
Manoc-manoc, kasama ang dalawang babae na kapwa nito katutubong Ati. #022013
No comments:
Post a Comment