“Ngayon lang ito nangyari, ng dumami na ang turista sa
Boracay”.
Ito ang nilinaw ni Marce Bernabe Technical Staff/Public
Information Officer ng Caticlan Jetty Port sa panayam dito kahapon.
Kaugnay sa ilang eksina kung saan nakikipag-argumento o
bangayan ang ilang turista sa taga kolekta ng mga ticket sa Caticlan Jetty Port
dahil sa kulang ang kanilang pinapakitang ticket sa pagpasok sa terminal.
Ayon kay Bernabe, ngayon lang ito nangyayari nang dumami na
ang turista sa isla at naging abala ang jetty port.
Ganoon pa man naaksiyunan na rin umano nila ang bagay na ito
sa paraan ng palaging nilang pagpapa-alala sa mga turista gamit ang kanilang
mikropono o pag-pi-page.
Ito ay upang ipabatid sa mga turista na dapat ay magkaroon
muna ng tatlong ticket bago makapasok sa isla, at iyon ay ang Environmental Fee,
terminal fee at ticket sa bangka o fastcraft man ang bawat turista.
Maliban dito, naglagay na rin umano sila ng mga taga suri ng
ticket para masilip kung kompleto na ba, upang maiwasan na ang argumento
hinggil dito.
No comments:
Post a Comment