Tuloy na sa Linggo, ika-24 ng Pebrero ang ikalawang cruise
ship na bibisita sa isla ng Boracay, ang MS Columbus 2 ng Hapag Lloyd Cruises.
Inaasahang dadaong ito sa gitna ng Boracay at Caticlan sa
Linggo sa oras na alas-dose ng tanghali at magtatagal ito sa loob ng pitong
oras bago tumulak sa susunod nilang destinasyon.
Napag-alaman mula kay Marce Bernabe, Technical Staff/Public
Information Officer ng Caticlan Jetty Port inaasahang mahigit kumulang walong
daang katao ang inaasahang baba mula sa cruise ship.
Kung saan mahigit 600 sa mga ito ay turista at nasa dalawang
daan naman dito ay staff ng barko.
Bagamat sa Linggo na ito na darating at nagkaroon na rin
umano ng mga naunang pulong sa gitna ng shipping company para sa ruta at ibang
detalye ng pagbisita ng mga turistang ito na sakay ng barko.
Habang nalalapit ang pagdaong ng MS Columbus 2, aasahang
magkakaroon parin ng pag-uusap ang pamunuan ng pantalan, gayon din ng mga
mahahalagang tao para sa seguridad ng mga bisita na ito sa susunod na mga araw.
Samantala, inaasahang may dalawa o higit pang-cruise ship na
darating sa Boracay sa taong ito.
Ngunit hindi lamang doon nagtatapos, dahil para sa taong
2014 ay mayroon na agad umanong nagpahayag na dadaong dito, maging sa 2015 ay
may dalawa na rin ayon kay Bernabe.
Sa Marso naman ng ika-19 ay dadaong ang ika-tatlong
pang-turistang barko na bibista sa isla, na ikalawa naman ngayong taon, ang MS
Europa ng Hapag Lloyd Cruises din.
No comments:
Post a Comment