Bago mag-alas-sais ng umaga ay may mga nakapila na sa Rural
Health Center sa Boracay.
Ganito pa rin ang eksenang makikita sa Municipal Health
Center o RHU sa isla, tatlong araw bago matapos ang extension na ibinigay ng
Sangguniang Bayan ng Malay para makapag-renew ng kani-kanilang business permit
ang mga establishemento.
Ang maaga at maha-habang pila na ito sa RHU tuwing umaga,
simula nitong unang linggo ng Enero ay upang makompleto ng mga empleyado at
trabahador sa Boracay ang hinihinging requirement ng batas at ordinansa ng
bayan bago makakuha ng Health Card.
Bagama’t ilang araw na lamang ang nalalabi sa ibinigay na
extension ng SB sa mga magre-renew, daan-daang empleyado pa rin ngayon sa isla
ang nagkukumahog para makapasok sa schedule ng pagpapasuri sa RHU.
Maliban dito, pahirapan pa rin hanggang sa ngayon ang
pagpapa-X-ray, gayon din pagkuha ng resulta nito na isa din sa requirement sa Health
Card dahil sa isang linggo pa ang hihintayin bago maibigay ang resulta sapagkat
dinadala pa ito sa bayan ng Kalibo.
Kung saan sa isla may dalawang X-ray machine lamang at
limitado lamang din ang kakayanan para makapabigay serbisyo sa halos sampung libong
empleyado sa Boracay.
Maaalala na una nang sinabi ng SB Malay na hindi na nila
pahahabain pa ang petsa ng pagre-renew ng mga business permit sa Malay lalo na
sa Boracay.
Ito’y makarang nagbigay sila ng extension na magtatapos na
sa ika-20 ng Pebrero, kasunod ng pagpuna nila na mabagal ang pagproseso ng mga
nagre-renew dahil sa dami din ng requirements na hinihingi sa mga empleyado sa
Boracay. #ecm022013
No comments:
Post a Comment