Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Body at Franchise number ng tricycle, gayon din uniform
number ng driver.
Ito ang kailangan ng BLTMPC para mapanagot ang driver na
namimili ng mga pasahero.
Ito ang nilinaw ni Boracay Land Transport Cooperative (BLTMPC)
General Manager Ryan Tubi sa panayam dito.
Ito’y para maaksiyunan umano nila ang mga drivers na inirereklamo,
dahil sa pamimili ng pasahero, at iba pang paglabag sa karapatan ng mga
commuter.
Ayon sa GM, mahirap kasing magturo kung sinu-sinong tricycle
driver lamang sa dami ng mga ito sa isla.
Kaya mas mainam umano kung makuha agad ang body number at
uniform number ng mga ito upang mapatawan nila ng penalidad alinsunod sa
alitutuning ipinapatupad ng kooperatiba.
Kaya payo ni Tubi, sa pagpara palang ng mga tricycle ay
dapat mabilis din ang mata ng mga pasahero sa pagkuha ng mga numero, upang
mapatawag agad umano ang driver.
Inihayag din nitong hindi na kailangan pa ngayon ng written
complaint, sa halip ay pwede na umanong itawag sa hotline ng BLTMPC kung
magrereklamo, pero kailangan parin ang body at uniform driver number.
Ang pahayag na ito ni Tubi ay kasunod na rin ng sunod-sunod
na reklamo mula sa mga commuter, lalo na sa magulang ng mga estudyante na umano
ay namimili ng pasahero ang mga ito.
Dapat lang lalo na kapag yapak ka kalahating oras lang minsan d p talaga mkasakay.lugi daw cla sa gasolina
ReplyDeletee5x21g6z66 q6b86u1w21 s6c44y1u21 i0h24c8f78 e6c79n0s92 r6l46q1u87
ReplyDelete