Ni Malbert Dalida,
News Director, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism officer in
charge Tim Ticar, matapos ang kanilang penal na pagpupulong kahapon, kaugnay sa
pagdating ng nasabing barko.
Base sa kanilang napagkasunduan, sinabi ni Ticar na ang mga
taga Philippine Coastguard at Navy ang in charge para sa seguridad ng barko,
habang ang mga taga BTAC o Boracay Tourist Assistance Center ang nakatoka para
sa mga bababang pasahero nito.
Maghihintay naman sa Cagban port ang mga Ati-atihan dancers
ng pamahalaang probinsya, habang nakahanda na rin ang mga Leis na isasabit ng
mga taga LGU Malay.
Ang mga taga DOT o Department of Tourism naman, ay naghanda
rin umano ng mga streamers na ilalagay sa nasabing pantalan.
Ang pangkalahatang paghahanda ayon pa kay Ticar ay iniatang
na sa port administrator, habang ang pagsundo’t-hatid naman sa mga pasahero sa
Cagban ay sa isang transport service na ipinagkatiwala.
Inaasahang darating bukas ng alas-12 ng tanghali ang MS
Columbus, na may tinatayang 500 pasahero at 300 crews. #022013
No comments:
Post a Comment