Dahil sa nakakalito at maraming requirements na hinihiling
sa mga empleyado sa Boracay, hiniling ngayon ni SB Member Rowen Aguirre na bigyan
ng panibagong extension sa pagre-renew ng business permit ang mga
establishimiyento sa buong bayan ng Malay.
Sa resolusyon na inaprubahan nila, sa halip na magtatapos na
bukas ang deadline ng unang extension nila, palalawigin na ang extension na ito
hanggang sa a-uno ng Marso ng taong ito.
Ang pagpasa ng resolusyom sa panibagong extension na ito ay
ginawa ng mga konsehal kahit na walang request galing sa tanggapan ng punong
ehekutibo.
Ayon kay Aguirre, ginawa nila ito para mabigyan pa ng
pagkakataon ang mga nagtatrabaho sa isla na makumpleto ang marami at
nakakalitong hinihingi na mga requirements.
Pero depende na umano ito sa punong ehekutibo kung
tatanggapin o ipapatupad ang resolusyong ito ng SB.
Agad namang sinang-ayunan ni SB Member Dante Pagsuguiron ang
resolusyon nila, dahil sa na-a-abala naman umano ang mga empleyado kahit sa
pagpapa-x-ray pa lang.
Kaugnay nito, nagpanukala si Aguirre na matapos ang
pagpo-proseso sa pagre-renew ng business permit na ito, oras na rin umanong
balikan na nila ang mga ordinansa na nag-uutos sa pagpapatupad ng mga
requirements na ito para makuha na ang mga hindi na kailangan at matingnan kung
sino lang ang dapat na hingan.
Kung maaalala, dapat hanggang ika-dalawampu ng Enero ng
taong kasalukuyan lamang dapat ang deadline na nakasaad sa batas, ngunit
in-extend ito hanggang bukas ng Sangguniang Bayan.
Pero muli nila itong pinalawig nitong umaga sa isinagawang
session.
No comments:
Post a Comment