Ito ang inihayag ni Malay Transportation Officer Cesar Oczon
sa panayam dito kahapon, kaugnay sa minamadaling implementasyon ng e-trike sa
isla.
Bunsod nito, nagkukumahog na rin ngayon ang lokal na
pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni SB Member Dante Pagsugiron sa pangungumbisi
sa mga tricycle operator sa Boracay na palitan na ang kanilang mga lumang unit.
Kaya nanawagan na rin ito sa mga operator na nais maka-avail
sa unang isang daang unit na ito e-trike ng LGU na makipag-ugnayan na sa kanya.
Nabatid kasi na maliban sa may garantiya o tulong na
maibibigay ang LGU Malay sa mga unang maka-avail ng e-trike na ito na isa sa
mga programa ng lokal na pamahalaan ng bayan.
Magbibigay din ang LGU ng insentibo sa mga operator.
Kahapon ng umaga, inihayag din ni Pagsugiron na target nito
na mai-deliver na ang isang daang unit ng e-trike ng LGU Malay bago paman
matapos ang kaniyang termino, dahil mayroon nang eleksiyon sa Mayo.
No comments:
Post a Comment