Ang kasunduan para sa mapayapang eleksyon ay isinagawa
pagkatapos ng santos na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Anthony Jizmundo na
siya ring nanguna para sa pagpapasumpa sa mga kandidato.
Sa kabuuang 19 na kumakandidato, si Mayon John Yap na walang
katungggali at ang sampung nagpapapili sa pagkakonsehal ang bumuo sa labing
isang dumalo.
Sa mensahe ng alkalde, sinabi nito na ang malaking hamon sa
ngayon ay hindi ang eleksyon.
Bagkus ang pagsasaayos sa mga problema sa Isla ng Boracay
ang nakikita niyang malaking hamon sa bayan ng Malay na patuloy naman umano nitong tinututukan sa ngayon.
Samantala, ang panatilihing “friendly rivalry” naman ang
hiningi ni Malay COMELEC Election Officer 2 Elma Cahilig sa mga nasabing
kandidato, sabay ang kahilingan na gawing Honest, Orderly at Peaceful ang
eleksyon sa darating na halalan.
Pagkatapos ng aktibidad, namahagi si Cahilig sa mga
kumakandidato ng mga dukumento ng pamantayan sa pangangampanya na naglalaman ng
common poster area salahat ng mga barangay sa Malay at pamantayan sa mga
campaign materials na gagamitin sa eleksyon.
Samantala, dumalo din sa nasabing peace covenant kahapon ang
mga miyembro ng COMELEC, PNP, Philippine Army, Parish Pastoral Council for
Responsible Voting o PPCRV at ang YES! FM Boracay. #acpsr022013
No comments:
Post a Comment