Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nagpapa-ikot na umano ng Petition Letter ang BLTMPC para
maipabatid sa lokal na pamahalaan ang demand sa mga tricycle sa Boracay.
Ito ay kasunod ng nararanasang kakulangan sa unit ng mga
tricycle na pumapasada sa Boracay ngayon pang nasa Super Peak Season na.
Makaraang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Malay ang Color
Coding sa mga ito.
Sa paraan umano ng pagkalap nila ng mga lagda, dito
malalaman ng LGU Malay kung ano ang problemang dinaranas ng mga pasahero sa
Boracay.
Maliban dito, hinihintay na rin umano nila ang sulat ngayon
ayon kay BLTMPC General Manager Ryan Tubi mula sa tatlong paaralan sa Boracay
na nagpapahiwatig ng kanilang kahilingan para sa kapakanan ng mga estudyante.
Sinabi din ni Tubi na may nakausap na ito sa bahagi ng LGU,
tungkol sa pagpapa-kansela sa implementasyon ng Color Coding.
At naniniwala ito na malaki ang maitutulong ng Petition
Letter para magbago ang isip ng lokal na pamahalaan at ikunsidera ang kanilang
paki-usap.
No comments:
Post a Comment