Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nasa mga kamay na umano ng mga front liners sa Boracay kung
pano nila gagamitin ang mga itinuro sa kanila para mai-angat ang antas ng mga
serbisyo sa mga turista sa isla.
Ito ang inihayag ni Chief Tourism Operations Felix Delos
Santos sa “Malay Tourism Front Liners Enhancement”, ang programa ng lokal na
pamahalaan ng Malay sa pakikipag-tulungan ng Municipal Tourism Office kung saan
sumailalim sa seminar sa mga front liners na kinabibilangan ng mga drivers, boatmen,
porters, masahista, tour guidse at iba pa.
Ayon kay Delos Santos, nagawa na ng LGU ang bahagi nila para
maturuan at madagdagan ang kaalaman at kakayahan, pati na sa pakikitungo sa mga
turista ng mga front liners na ito.
Naging bahagi din ng programang ito ay ang maayos at
magalang na serbisyo upang mapanatili ang magandang pangalan ng Boracay.
Gayong “international standard” ang nais ng lokal na
pamahalaan ng Malay na i-apply sa mga serbisyo ng mga front liners sa Boracay,
alinsunod sa demand ng turismo.
Kung gumawa umano ng hindi magandang aksiyon ang isang front
liner, nasa mga kamay na umano ng mga ito kung paano nila didisiplinahin ang kanilang
mga sarili para sa Boracay.
Nabatid na sa ngayon ay pitong asosayon na ang dumaan sa enhancement
seminar ng Municipal Tourism at LGU Malay, sa tulong ng iba’t ibang speaker na
may malaking bahagi sa operasyon ng mga kooperatiba, grupo at mga assosasyon ng
mga front liners na ito.
Samantala, aasahan naman sa darating na ika 5-6 ng Marso,
ang mga boatmen ng BIHA-MPC ang isasailalalim sa seminar ng Malay Tourism. 032013
No comments:
Post a Comment