Ito ang inamin ngayon ni Municipal Engineer Elizer Casidsid
sa panayam nitong umaga, kaugnay sa ipinapatupad na moratorium sa pagpapatayo
ng mga gusali sa isla.
Isa sa halimbawang ibinigay ni Casidsid ay ang umano’y
patuloy at talamak na pagkakaroon ng extension ng mga gusali, kahit walang
kaukulang permit.
Maging ito ay aminadong may gusali dito sa isla na malapit
nang matapos kahit walang kaukulang permit for expansion at kulang sa building
permit for construction.
Ang mga ganitong uri ng paglabag ayon pa kay Casidsid ay may
mga kaukulang penalidad naman umano.
Magkaganon paman, ayon pa kay Casidsid, ang lahat naman daw
ay ginagawa nila lalo na ang pagmomonitor at pagbibigay ng kaukulang notice of
violation.
Subali’t may mga ilang kaso na kung saan ang istraktura ay
may problema sa mga partidong umaangkin, o tinatawag na property dispute.
Samantala, sinabi naman ni Casidsid na nakahanda ang
kanilang departamento na harapin ang anumang posibleng pagpapatawag ng korte,
kung ang problema ay umabot na sa hablahan o pagsasampa ng kaso.
Kung maalala, ang moratorium ay ibinaba ng punong ehekutibo
para maregulate at masulosyunan ang sobrang dami ng mga nagsusulputang iligal
na istraktura sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment