Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Magpapa-vigil o magpapadasal ang Simbahang Katoliko sa
Boracay para kay Dexter Condez, ang pinaslang na katutubong Ati spokesman sa
isla.
Ito ang sinabi kahapon ni Rev. Fr. Arnold Crisostomo ng Holy
Rosary Parish sa Boracay.
Sa darating na araw kasi ng Sabado, ikalawa ng Marso ay ang
tentative o pansamantalang eskedyul ng libing ni Dexter.
Kung matutuloy ayon kay Fr. Crisostomo ang itinakdang iskedyul,
sa darating na Biyernes naman ng gabi ay ihihimlay sa Simbahan ang kanyang
labi, para mabigyan ng padasal at madalaw ng kanyang mga kaibigan.
Kinabukasan naman ay magkakaroon ng misa para sa kanya, bago
ito ihatid sa kanyang libingan sa lupaing ninuno sa Brgy. Manoc-manoc.
Napag-alamang ngayong araw darating ang labi ni Dexter mula
sa Ibajay, matapos ipa-autopsy ang kanyang bangkay.
Samantala, umaasa pa rin umano si Fr. Crisostomo na
mareresolba na ang naturang kaso.
Si Dexter Condez ay matatandaang binaril ng hindi pa
nakikilalang suspek, habang papauwi sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc Boracay,
nitong nagdaang Biyernes ng gabi.
Siya din ang tumatayong spokesman ng mga taga BATO o Boracay
Ati Tribal Organization at nakipaglaban para sa ancestral domain ng mga aeta sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment