Ito ang kinumpirma ni Reverend father Arnold “Nonoy” Crisostomo,
mediator ng Holy Rosary Parish team ministry sa isla.
Sinabi nito na tuloy din ang pagpapadasal o vigil kay Dexter
sa darating na Biyernes ng gabi.
Katunayan, may programa umanong inihanda ang mga Ati mission
para sa araw ng kanyang libing.
Kung saan darating ang mismong Obispo ng diocese ng Kalibo
na si bishop Jose Corazon Talaoc, mga pari, mga lideres ng iba’t-ibang
organisasyon sa Aklan at mga bisita galing Maynila.
Ayon pa kay father Nonoy, hindi isasakay ang labi ni Dexter
sa sasakyan, kungdi bubuhatin mula sa lupang ninuno ng mga Ati sa Brgy.
Manoc-manoc papunta sa simbahan sa Brgy. Balabag para sa vigil.
Samantala, ang pinakamaagang oras na napagkasunduan umano
para sa iaalay na misa sa kanya ay alas nuwebe ng umaga.
Si Dexter Condez ang tumatayong spokesman ng mga taga BATO o
Boracay Ati Tribal Organization na pinaslang nitong nagdaang Biyernes ng gabi.
No comments:
Post a Comment