Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Maging mabait lang sana sila at disiplinado, maliban sa
pagiging guwapo.
Ito ang paalala ngayon ni Boracay Land Transport Multi
Purpose Cooperative General Manager Ryan Tubi, sa kanilang mga traysikel
drayber na hindi nagpapasakay o namimili ng mga pasahero.
Araw araw umano kasi ay pinamomonitor nila ang mga ito upang
matiyak na sila ay mga passenger friendly, lalo pa’t isang tourist destination
ang isla ng Boracay.
Maliban dito, kinukulang na rin umano ang mga traysikel sa
isla sa dami narin ng mga pasahero, dagdagan pa ng ipinapatupad na color coding
ng LGU Malay.
Kaya naman sa panayam ng himpilang ito kay Tubi kahapon, inamin
nito na maging siya ay palaging pinapagalitan ng mga nagrereklamong nanay dahil
sa pamimili umano ng mga pasahero ng mga drayber, o di kaya’y hindi
pagpapasakay sa mga estudyante.
Dahil dito, naglalagay na umano sila ng mga hindi kilalang
kolektor nila na magsisilbing taga monitor din sa mga drayber na pasaway.
Naging epektibo din umano ang ganitong sistema nila, dahil
marami na rin silang ipinatawag at sinuspendeng drayber, matapos makitaan ng
paglabag.
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Tubi sa kanilang mga
drayber na huwag nang maging makulit at pasaway.
Matatandaang sa panayam din ng himpilang ito, ay hinimok ni
GM Tubi ang publiko na kunin ang body number at uniform number ng mga
inirereklamong drayber at ireport sa BLTMPC. #022013
sana may Facebook page ang BLTMPC
ReplyDeletesee page useful content my latest blog post his response browse around here explanation
ReplyDeleteFull Report q8g93s3n15 Ysl replica handbags replica bags high quality 7a replica bags replica gucci handbags a2a78h6k85 replica bags in bangkok replica bags china free shipping useful content t9z59a8y03 9a replica bags
ReplyDelete