Bawal dumaong sa dalampasigan ng sitio Din-iwid Boracay.
Ito ang kinumpirma ni assistant coastguard officer Boracay
detachment PO2nd Condrito Alvares, kaugnay sa nakunan ng litratong pagdaong ng
mga bangka doon.
Ang masaklap, kumalat pa sa mga Facebook accounts ng mga
Boracaynon ang sinasabing illegal na gawain.
Maliban kasi sa ipinagbabawal ng ordinansa ng munisipyo ng
Malay, nanganganib din umanong masira ang mga korales doon dahil sa pag-aangkla
ng mga nasabing bangka.
Dagdag pa nito, tila nasasalaula pa ang beach line ng sitio
Din-iwid, dahil sa halip na pinapaliguan ang nasabing lugar, ay naging boat
station na rin ito sa ngayon.
Sa larawang naipost sa facebook, umaabot sa siyam na bangka
ng hindi pa malamang asosayon ang nakadaong doon, na sinasabing inaabot ng
halos kalahating oras.
Ayon kay Alvares, base sa municipal ordinance na
ipinapatupad ng mga municipal auxiliary police.
Lima hanggang sampung minuto lamang dapat ang itatagal ng
isang bangka kapag magbababa ng kanilang mga pasahero.
Ayon pa kay Alvares, klarong paglabag din sa provincial
ordinance number 05-032 kaugnay sa One Entry-One Exit policy ang ginagawa ng mga
nasabing bangka.
Dahil dito, bibigyan ng citation ticket ang sinumang
mahuling lumabag at ang pamahalaang probinsya na umano ang bahala dito.
Kampanti ring sinabi ni Alvares na maraming miyembro ng Task
Force Boracay ang tumutulong upang ipatupad ang mga kahalintulad na ordinansa,
maliban pa sa mga concerned citezens na tumatawag sa kanila.
Samantala, tahasang sinabi sa panayam ng himpilang ito
kahapon ang paniniwalang mga miyembro ng BIHA o Boracay island Hopping
Association ang mga bangkang dumadaong at nakunan ng litrato sa Sitio Din-iwid.
#mcd022013
No comments:
Post a Comment