Hindi pa malaman sa ngayon kung ilang tribo ang lalahok sa
Ati-atihan sa Boracay.
Ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Kura Paroko ng Holy
Rosary Parish Church sa Balabag, ito marahil ay may mga planong tulong na inilatag
ang lokal na pamahalaan ng Malay at hiniling na baguhin ang iskedyul ng selebrasyong
ito.
Pero nilinaw ng pari na nagdesisyon silang panatilihin sa ikalawang
linggo ng Enero pa rin ang o ika-13 sa susunod na buwan ng Enero taong 2013
ipagdiwang.
Dahil ito rin aniya ang nais ng mga tao lalo na ng mga
kalahok na tribu.
Ito ay upang mapanatili ayon sa pari ang tradisyon na pawang
“debusyonal” lamang at simpleng ipagdiwang.
Sa kasalukyan umano, ang mga tribu din mismo ang nag-uusap
usap kaugnay sa aktibidad na ito at ipinapabatid lamang sa simbahan kung ano
ang mga plano nila.
Kaya hindi pa aniya masasabi ngayon kung ilan talaga ang
sasaling grupo para sa 2013 Boracay Ati-atihan. #ecm122012
No comments:
Post a Comment