Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Philippine National
Red Cross Malay-Boracay Chapter ang taong 2013.
Ito ay dahil abala na sila sa mga trainings na gagawin sa
mga volunteer, Life Guard ng mga resorts at iba pa, katuwang ang Australian
Life Guard na si David Field.
Kung saan, ngayon pa lang ay marami na rin silang malalaking
aktibidad at programa na inilatag para sa susunod na taon.
Kabilang na dito ang mas pinalaki pang pagdiriwang ng 2nd
Festival of the Wind sa Boracay, at Fun Run na ilalahok ng bansa sa Guinness
Book of World Record.
Kung saan sa 2nd Festival of the Wind sa Boracay, plano
ngayon ni Field na magdala ng Life Guard mula sa Thailand na siyang inaasahan
makakatungali ng Life Guard Boracay sa isang patimpalak pagdating sa pagliligtas sa
buhay sa Beach.
Samantala, ang dalawang malalaking aktibidad na ito ang isa
din sa mga rason ni Field sa pagbabalik niya sa Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment