May nagtitimpi, may malakas na boses, may ayaw naman magpaawat,
may tila namimersonal din at mayroong tahimik lang.
Ganito ang naging eksina sa huling sesyon ng mga Board
Member sa Aklan para sa taong 2012, kasabay ng deleberasyon sa 2013 Annual Budget ng buong probinsiya at ng
SP Session nitong umaga.
Imbes na pag-apruba sa P1.19 billion 2013 Annual Budget ng
probinsiyang ito kasama na ang pondo ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na
siyang pinagdidebatihan ay napunta sa komprontasyon ang usapan.
Sapagkat, bago magbakasyon ang mga miyembro ng SP para sa
Pasko at Bagong Taon, hindi naiwasang makalkal ang kanilang mga nagdaan, lalo
na ang mga mainit na usapin at tampuhan.
Una rito, hiniling ni SP Member Rodson Mayor na amiyendahan
o baguhin at bawasan ang halagang nakasaad sa proposed 2013 budget ng SP lalo
na ang alokasyon para sa seminar at trainings.
Bagay na hindi naman sinang-ayunan ng ibang mga miyembro ng
SP na humangtong pa kanina sa botohan.
Pero lumabas sa botohan na si Mayor ang solo lamang palang tutol
at may nais na bawasan ang pondo ng SP.
Ipinunto kasi ng nasabing board member na hindi tama at
makatwiran na maglaan ng pondong malaki na hindi naman nagagamit ng maayos.
Kung saan ang pinatutungkulan nito ay si Vice Governor at
Presiding Officer Gabrielle Calizo-Quimpo, na siyang madalas nitong
nakakahidwaan sa loob ng session hall. #ecm122012
No comments:
Post a Comment