Natutuwa ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa aksiyon ng
Boracay Foundation Inc. o BFI.
Ito ay dahil katulad sa nais mangyari ng SB, hiniling din
ngayon ng grupong ito sa SB na sana ay bigyang aksiyon na rin ng local na
pamahalaan ng Malay ang nakakatakot na paglalagay ng mga bagong tayong gusali
ng basement na sadyang nakakabahala para sa kapiligiran ng Boracay.
Una dito, ang Board of Director ng BFI ay nagpasa ng resolusyon
para ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon sa ganitong gawain ng mga establishment
owners sa isla.
Isinumite naman ng BFI ang kupya ng kanilang resolution no.
5 na ito sa konseho para mapakinggan din ang kanilang hinanaing.
Subalit dahil sa noong nagdaang sesyon ng SB ay tinalakay na
ang kaugnay dito lalo na sa pag-amiyenda sa Building Ordinance na sinusunod sa
Boracay para ipagbawal na ang paglalagay ng basement sa mga gusali.
Ganoon pa man, dapat pa rin aniyang pasalamatan ng konseho
ang BFI sa pagmamalasakit nilang ito sa kapaligiran. #ecm122012
No comments:
Post a Comment