“May mga pasaway pa rin talaga.”
Kaya hindi rin naiwasan ni Island Administrator at Solid
Waste Manager Glenn Sacapaño na pasaringan ang ibang indibidwal na patuloy pa ring
hindi sinusunod ang tamang paghihiway sa tinatapong basura na iniiwan sa mga
tabing kalsada para sa koleksiyon.
Aniya, mayroon pa ring pasaway dahil sa hindi sinusunod ang
“proper segregation” sa kabila ng kampaniya ng LGU Malay kaugnay dito, kaya may
mga basura pa rin gaya ng mga tira-tirang pagkain na naka-kalat sa daan lalo na
at hindi umano tama ang pagkakatapon ng mga ito.
Ito ang sagot ng Solid Waste Manager, sa tanong dito kung
bakit bumabaho ang kalsada na pangit naman para sa mga nagdi-jogging na turista
maging ng mga lokal at residente tuwing umaga.
Kung saan ito ay dala ng mga katas ng mga tira-tirang
pagkain na iniiwan lang sa tabing daan para sa koleksiyon sana, pero natatapon
lang din doon bago mahakot.
Naniniwala naman si Sacapaño na sa tulong at pakikiisa ng
lahat hindi lamang ng mga residente kundi maging ang mga turista sa isla ay nasasawalata
ang problemang ito sa Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment