Bukas nakatakdang ibigay sa mga empleyado ng Provincial
Capitol ng Aklan ang kanilang PEI o maituturing na kanilang pinaka-bonus.
Ito ay matapos aprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan
ng Appropriation Ordinance para mai-release ang halagang mahigit P24-milyong pondo
para sa Productivity Enhancement Incentive ng mga empleyado at opisyal ng
probinsiya.
Nabatid mula kay SP Secretary Odon Bandiola na ang halagang P24,040,000.00
ay hahatiin sa mahigit 2,800 na opisyal, rank in file na empleyado, casual at
job order men.
Inaasahang makakatanggap aniya ang mga elected Officials,
Department Heads at rank in file ng tag-P20,000.00.
Habang ang mahigit 1,300 mga casual at job order na mga
empleyado ay pinag-iisipan umano ngayon ni Aklan Governor Carlito Marquez kung
magkano ang ibibigay.
Pero ayon dito, inaasahan na mataas pa sa tinanggap na PEI
ng casual at job order noong 2011 ang matatanggap ngayon kung saan dati ay
tumanggap lamang ng ang mga ito ng P3,000.00. #ecm122012
No comments:
Post a Comment