Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Malay Comelec Officer
Elma Cahilig ang re-shuffling na gagawin sa mga Comelec Officers.
Aniya, ang bagay na ito sa kanila ay hindi na bago, lalo na
kapag papalapit na ang halalan.
Pero, bagamat nasabi na nito dati na posibleng hindi na siya
kasama sa mga Comelec Officers na pansamantalang i-assign sa ibang lugar.
Sa panayam dito, sinabi ni Cahilig na kandidata siya ngayon
kasama ang anim pang-election officer sa Aklan na kabilang sa ire-reshuffle
kung haba ng paninilbihan sa bayan kung saang bayan sila na-assign na
mag-bantay.
Maliban umano doon ay wala na siyang nakitang dahilan pa.
Kaya ngayon ay naghihintay na lang aniya sila ng resulosyon
na nag-uutos ng kanilang bagong assignment sa ibang lugar para sa 2013
election.
Pero matapos aniya ng nasabing halalan ay ibabalik din naman
ito sa bayan ng Malay.
Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes ng
buwan ng Enero sa susunod na taon ay sisimulan na nilang ipatupad ang
re-shuffling sa mga opisyal ng kumisyon. #ecm122012
No comments:
Post a Comment