Hidi nakakahiya, kundi nakakalula pala ang halaga
Productivity Enhancement Incentives o PEI ng mga empleyado ng LGU Malay.
Sapagkat mahigit P19-milyon ang PEI ngayon taon na siyang
hahati-hatiin sa mga opisyal, regular na empleyado at mga nasa plantilya ng LGU
Malay.
Medyo nahihiya pa sana ang konseho ng Sangguniang Bayan ng
Malay na ibunyag ang halaga ng PEI ngayon taon ng 2012, na maituturing na pinaka-bonus na din ng mga nanunungkulan at nagtatrabaho sa gobyerno.
Pero napilitang ihayag ito makaraang magtanong ang ilan sa
miyembro ng SB.
Kung saan ang mahigit P19-milyon na ito ay kahapon ng umaga
lamang sa sesyon ng SB inaprubahan sa ikalawang pag-basa, upang mai-release na
at maipamahagi na rin.
Samantala, nabatid mula kay SB Member Rowen Aguirre na ang
pundo para sa PEI na ito ay magmumula sa savings ng Personal Services o PS. #ecm122012
No comments:
Post a Comment