Isang malamig na bangkay na ng makita sa kwarto ng resort na
nirentahan ang isang American National bandang ng 7:30, gabi ng Lunes.
Ito ay makaraang magulantang ang mga staff ng nasabing
reorts gayon din ang may-ari ng nasabing establishimiyento sa Sitio Diniwid,
Brgy. Balabag.
Agad namang kinordon ng mga taga-Boracay Crime Laboratory at
Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang area para sa kanilang
imbestigasyon.
Sa pang-uungusisa ng awtoridad, kinilala ang nasabing
American National na si Fred Harvey Lubin, 60-anyos na may address na New
Jersey, USA.
Nang datnan umano ito ng mga staff, may-ari ng resort at pulisya,
naka-tihaya o nakahiga sa kama ang Kano.
Sa imbestigasyon ng pulisya, tila wala din silang
palatandaang nilooban ang kwarto ng nasabing foreigner, dahil ang wala ding
palatandaang pinuwersang buksan ang kwarto o kaya ay bintana ng kwarto nito.
Maging ang mga gamit umano gaya ng mga alahas, pera, gamot
at ilan nitong dokumento at maaayos at naroroon naman.
Bagamat dinala sa Boracay hospital si Lubin, dineklara pa rin
itong dead on arrival o DOA ni Dra. Mishelle Depakakibo.
Ginawan ng pulisya ang pagsisisyasat na ito sa kuwarto ng Amerikano
sa harap ni OIC Boracay DoT Officer Tim Ticar. #ecm122012
No comments:
Post a Comment