Naging mas mataas ang bilang ng mga turistang dumayo sa isla
ng Boracay ngayong taon upang dito na mag-Pasko.
Ayon sa Malay Municipal Tourism Office, kung ikukumpara ang
tourist arrivals ngayong taon ay mas mataas ito ng mahigit dalawampung libo
kumpara noong nagdaang taon.
Sa kanilang datos mula Disyembre a-uno hanggang bente kwatro
ng taong kasalukuyan ay umabot na ang tourist arrivals sa mahigit animnapung
libo.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa naitalang datos sa
parehong petsa ng nagdaang taon na umabot lamang sa mahigit apatnapung libong
tourist arrivals.
Ngunit sa kabila ng malaking bilang ng mga turista ngayon
taon ay nagagawa namang i-accommodate ang lahat ng mga ito.
Samantala, inaasahan pa rin ng Malay MTO na tataas pa ang
bilang ng mga turistang pupunta sa Boracay pagsapit ng Bagong Taon. #pnl122012
No comments:
Post a Comment