Hindi pa available sa Boracay ang mga paputok.
Dahil ilang araw bago ang Pasko at mahigit isang linggo
bago ang Bagong taon, ay wala pa ring nakakapaglatag ng mga panindang paputok
sa isla.
Ayon kay Boracay Bureau of Fire Protection Inspector Joseph
Cadag, sa kasalukuyan ay inihahanda pa lamang ang mga pwesto sa nabigyan nila
ng permit na maglatag ng kani-kanilang panindang paputok.
Kung saan, sa isla umano ng Boracay, tanging sa gilid o
malapit sa Fire Station ang lugar na designated na pwedeng maglatag ng kanilang
panindang mga paputok.
Habang sa Main Land Malay naman, tanging sa Caticlan Market
sa malawak na area doon ang inilaang lugar.
Nilinaw din nito na tanging sa mga lugar na nabanggit lamang
pwedeng magbenta at bumili ng paputok lalo pa at ipinagbabawal ito sa mga
sari-sari store at kung saan-saan lamang. #ecm122012
No comments:
Post a Comment