YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 27, 2012

Bagyong Quinta, nagdala ng baha sa ilang bayan sa Aklan


Walang tulog ang mga taga-bayan ng Kalibo at Libacao dahil sa hagupit ng bagyong Quinta kagabi.

Bagamat walang gaanong hangin, malakas na ulan naman ang bumuhos na nagresulta doon ng pagbaha.

Kaya limang araw bago sumapit ang Bagong Taon ay nag-iwan pa ng pinasala ang baha na nanalasa sa nabanggit na mga lugar at sa ilan pang mga bayan sa Aklan.

Kung saan, 600 katao ang naghakot ng kanilang mga gamit sa dalawang evacuation center sa bayan ng Kalibo dala ng baha kagabi bandang alas-8 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay hanggang baywang parin ang tubig baha sa ilang kalye sa bayan ng Kalibo, partikular sa Mabini Street sa area ng Provincial Hospital at D. Maagma at OsmeƱa Street sa isang Bus Terminal doon.

Sa sobrang lakas ng baha, pati ang Sports Complex sa Provincial Capitol na nagsisilbing isa sa nga evacuation center ay pinasok na rin ng tubig baha.

Pero ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC-Aklan Executive Officer Galo Ibardolaza, hindi naman umabot sa bleacher ng Sports Complex ang baha kaya kahit papaano ay hindi na-apektuhan mga nagsilikas.

Maliban sa bayan ng Kalibo, apektado rin ng baha ang ilang bayan gaya ng Libacao, Banga, Malinao, Numancia at Lezo.  #ecm122012

No comments:

Post a Comment