Hanggang ngayong araw na lamang, araw ng Biyernes, ika-28 ng
Disyembre, ang deadline sa gagawing pag-inspeksiyon at paglalagay ng ICC
stickers sa mga helmet ng motorsiklo.
Kaya sa mga nais humabol, mariing pina-alalahanan ng Department
of Trade and Industry (DTI) ang mga motorista sa Aklan na may huling araw pa
sila ngayon para magpa-inspeksiyon ng kani-kanilang helmet.
Ito ay sa kabila ng pagiging abala umano ng DTI sa panahong
ito dahil sa price monitoring na gagawin nila sa mga Noche Buena products at kapag
magpatupad ng price freeze sa bayan ng Kalibo.
Sinabi ni DTI-Aklan Director Diosdado Cadena na malugod pa rin
nilang tatanggapin sa opisina ng DTI ang mga nais magpainspeksiyon ng helmet
para magkaroon ng tatak at ICC Stickers.
Dahil sa mga panahon ito, wala umanong abiso sa kanila ang DTI national office na
magkakaroon pa ng extension sa muling pagbabalik mula sa bakasyon ng mga
empleyado sa Enero sa susunod na taon.
Muling ipina-alala nito na hanggang ngayong alas singko na
lamang ng hapon ang kanilang tanggapan dahil ang susunod na mga araw ay New
Years break na. #ecm122012
No comments:
Post a Comment