Walang anumang pagbabago o pagtaas sa presyo ng gulay, karne
at prutas hanggang ngayon araw na ito.
Ito ang nabatid mula kay Moises Inamac, Administrator Aid ng
Provincial Agricultures Office, kasabay ng ginagawa nilang pababantay sa presyo
ng mga gulay, karne prutas at isda sa Aklan ngayon nalalapit na ang Bagong
Taon.
Ayon dito, wala pa naman silang nakita o napansing pagtaas
sa presyo ng mga nabanggit na produkto sa ngayon.
Dahil nananatili ang presyo ng mga bilihing ito kahit pa
sabihing dumaan na umano ang Pasko.
Ganoon pa man, inaasahan na, lalo pa at dadagsa ang mga
mamimili sa susunod na mga araw para sa selebrasyon ng Bagong Taon.
Ang pagtaas sa presyo ay depende sa lugar o kinalalagyan ng
tindahan o pamilihan, pero hindi naman umano ito magmamahal ng ganoon talaga
kalaki.
Subalit nilinaw nito na mangyayari ang inaasahan pagtaas
kapag kinulang sa suplay ng mga produktong ito ang Aklan.
Ngunit sa ngayon aniya ay sapat pa ang suplay mga pamilihan,
kaya tila wala pang rason para tumaas ang presyo kahit pa imported ang mga
produktong ito. #ecm122012
No comments:
Post a Comment